TRENDING : Lucia Joaquin’s Story


TRENDING : Real Story of Lucia Joaquin

Alas Tres ng Madaling Araw ng Magising Ako, Dahil,
Nakaramdam Ako ng Pagka-ihi. Agad Akong Bumangon, At
Nagbanyo sa Pag Akalang Pagkatapos ‘kong Umihi, Makakabalik
na ‘ko sa Pagtulog. Pero, Nagkamali Ako. Dahil, Kahit Ano
‘pang Pikit ‘ko ng mga Mata ko, Ayaw na ‘kong Dapuan ng
Antok. Naisip ‘ko, Siguro mas Madali akong Aantukin
kung Papatayin ‘ko Ilaw ng Kwarto ‘ko, Pero, Mas Sanay
‘kong Natutulog na Bukas ang Ilaw. Kaya Iyon nga
ang Ginawa ‘ko, Tumayo Ako ng Kama At, Pinatay ang Ilaw
ng Kwarto ko. Pagkatapos, Humiga At Pinikit ‘ko na
mga Mata ‘ko. Pero, Bigo pa rin Ako kasi Ayaw na talaga
‘kong Dapuan ng Antok.
Naisip ‘ko na mag Facebook na lang kaya ‘ko muna, Baka
Sakaling Bumalik ang Antok ‘ko. Nakahiga ‘kong Inabot
ang Isa sa Dalawa ‘kong Cellphone na Nakapatong sa Mesitang
Katabi ng Kama ‘ko, At Nagsimulang mag-Facebook.
Nasa Kalagitnaan Ako ng pagbabasa ng mga Posts ng mga
Kaibigan ‘ko ng Makatanggap Ako ng Isang Message. At ng
Tingnan ‘ko Pangalan sa Messenger, Napa-Isip Ako kung Kilala
ko ba siya? ‘Lucia Joaquin’, Ang Pangalan niya.
LUCIA JOAQUIN: Hi.
ENZO CRUZ: Hello.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede po ‘bang Makipag-usap?
ENZO CRUZ: Ha? Tungkol saan?
LUCIA JOAQUIN: Kahit na Ano po. Wala po kasi ‘kong
Makausap. Nalulungkot po ako.
ENZO CRUZ: Ganun ba? Bihira lang kasi ‘ko Makahanap ng
Kausap sa mga Oras na ‘to. Karamihan sa mga Friends ‘ko,
Tulog pa.
LUCIA JOAQUIN: Bakit po kayo, Gising na?
ENZO CRUZ: Actually, Nagising lang ako. Nagpapa Antok lang
Ulit Ako, Kaya napa Facebook lang.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kaya Kuya kaya ka Nagising dahil may
Gumising sa’yo?
ENZO CRUZ: Ha? What do you mean Ate?
LUCIA JOAQUIN: Wala po kuya. Nga pala Kuya ang Pogi
mo. ‘Nung Nakita nga kita, Nagkagusto Ako agad sa’yo eh.
ENZO CRUZ: Ha? Nakita Saan?
LUCIA JOAQUIN: Dito sa mga Pictures mo. Tinitingnan ko
kaya ngayon.
‘Nang Mabasa ‘kong Tinitingnan ni Lucia mga Pictures ‘ko sa
Facebook, Agad naman Akong Pumunta sa Timeline ‘ko, Para
Alamin kung ano anong mga Pictures mga Tinutukoy niya.
Pagkatapos, Pumunta naman Ako sa Profile niya para
Tingnan din mga Litrato niya Ngunit ganon na lang Aking
Pagtataka sa kanya.
ENZO CRUZ: Bakit Walang Laman ang Timeline mo?
LUCIA JOAQUIN: Kakagawa ‘ko lang po kasi ng Facebook ‘ko eh.
ENZO CRUZ: Tapos yung Profile pic mo, Ang Dilim ng Picture?
LUCIA JOAQUIN: Madilim po kasi dito sa Kuwarto eh.
ENZO CRUZ: Wala bang Flash ang Camera ng Cellphone mo?
LUCIA JOAQUIN: Meron naman po.
ENZO CRUZ: Gamitin mo para Malinaw ang Picture.
LUCIA JOAQUIN: Sige po. Nga pala Kuya Gawin kitang Close
Friends Dito sa Facebook ‘ha?!
ENZO CRUZ: Sure. Sige.
LUCIA JOAQUIN: At Dahil, Close Friend na kita,Dapat Magkaron
Tayo ng Litraro na magkasama tayo.
ENZO CRUZ: O Sige Payag, Kapag Magkita tayo, Pa-Picture
tayong Dalawa.
Nasa ganon kaming Pag-Uusap sa Messenger. Ng Biglang
Naramdaman ‘kong nag-Vibrate ang isa ‘ko ‘pang Cellphone.
Kinuha ko ‘to para Tingnan. Ganon na lang ang Gulat ‘ko
ng mag Flash ‘to ng Pagka-Unlock ko.
Nakakapagtaka ‘rin kung Bakit nag Vibrate Bigla, Wala
na’mang nag-Text o Miss Call sa’kin.
Muli pa Pinatong ‘ko ‘to sa Mesita.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede ‘bang Malaman kung Ilang taon ka
na po?
ENZO CRUZ: Sa Tingin mo? Ilan?
LUCIA JOAQUIN: Siguro mga 18? Haha
ENZO CRUZ: Binobola mo naman Ako eh.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kuya yun ang Tingin ‘ko sa’yo dito sa
Picture mo.
ENZO CRUZ: O sige na nga, Thank you. Pero sa Totoo, 25
na ‘ko eh.
LUCIA JOAQUIN: Wow! Mukha ka talagang Bata Kuya.
ENZO CRUZ: Salamat ulit. Eh, Ikaw ba Ilang Taon kana?
LUCIA JOAQUIN: Anong Hula mo Kuya?
ENZO CRUZ: Mahirap Hulaan eh. Ang Dilim kasi ng Kuha mo
Dito sa Profile Picture mo.
LUCIA JOAQUIN: Gano’n ba. O sige Kuya Sandali At
Maglalagay lang Ako ulit ng Bagong Picture.
ENZO CRUZ: Oh, Sige.
LUCIA JOAQUIN: O, Ayan Kuya, Nakalagay na ako ng Bago,
Check mo nga.
ENZO CRUZ: Sige Tingnan ‘ko sa Account mo.
Nang Pumunta Ako sa Timeline ni Lucia ay ganon na lang ang Pag
Tindig ng Aking mga Balahibo, Matapos Makita ang
Bago niyang Upload na Litrato. Sa Litrato ay Nakahiga siyang
Nakangiti sa Tabi ‘ko.

Video credit to the YouTube channel owner




 









Below Sponsored by adnow
loading...

TRENDING : Lucia Joaquin’s Story

Comments 28

  1. bweset yung ending… sobrang na gulat ako don…. parang kumawala yung kaluluwa ko ng isang segundo…GRABEH TALAGA!!!!! as in bweset na bweset…OH MY GOSH.!!!!!…

  2. Putspang Ending yan! Muntik ko ng ibato sa kapatid ko yung cellphone nya habang sya tawa ng tawa. Yung feeling na gusto kong pagsusuntukin yung mukha ng nasa screen!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

log in

reset password

Back to
log in