Saan marapat ganapin ang pagpapasalamat sa Dios?


Saan marapat ganapin ang pagpapasalamat sa Dios? Alamin ang sagot ni Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia.

~o~
Screen: Saan marapat ganapin ang pagpapasalamat sa Dios?

BES: Ang pagpapasalamat sa Dios nagaganap kahit saang lugar. Kaya lang ginaganap iyon kung saan nandon yung mga tao ng Dios. Basahin natin sa Awit…

BR:
Psalms 116:17-18
17 Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking tutuparin ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;

BES: ayan yung pagpapasalamat na hain sa Dios, yung handog na pasalamat. Ginaganap yun sa harap ng bayan ng Dios. So kung saan sila nagkakatipon doon ka pupunta. Kasi ang sabi ni Haring David “Aking Aking tutuparin ang mga panata ko sa Panginoon,… sa harapan ng buo niyang bayan”. Halimbawa dito sa Lipa may bayan ng Dios pag nagpasalamat sila mag iipon ipon sila. Bayan ang nagpapasalamat. Sa 2 Cronica 7:14 pakinggan mo

BR:
2 Chronicles 7:14
14 Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

BES: Ayon, maliwanag yun bayan yung tinutukoy, magpapakumbaba, sama-sama sila, dadalangin, halimbawa tayo, ngayon diba kanina nanalangin tayo. Supposed na tayo yung bayan ng Dios, ayon doon mo gagawin yung pagpapasalamat. Pupurihin mo Siya sa harapan ng tao na sumasampalataya ganoon ang pasalamat. Kaya kailangan pumunta ka roon. Kung saan sila nagkakatipon. Halimbawa sa Lipa o kaya sa Batangas pwede ka pumunta roon kung asan sila. Iyon ang sagot ko kapatid.

Video credit to Ang Dating Daan YouTube channel




 









Below Sponsored by adnow
loading...

Saan marapat ganapin ang pagpapasalamat sa Dios?

log in

reset password

Back to
log in