Paano malalaman ng isang tao na siya ay nasa tunay na relihiyon?


Paano malalaman ng isang tao na siya ay nasa tunay na relihiyon?
Alamin ang sagot ni Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia.

~o~
Bro.Eli (BE): Ang paraan lang para malaman mo isang simple lang,yun aral. Pagka ang aral galing sa Dios tama yun relihiyon, pero pag ang aral may kasamang pang tao, galing sa tao mali iyon. Basahin natin ang 7:7 ng Marcos.
Sis.Luz:
MARCOS 7:7
Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
(BE): ayan, pagka utos ng tao walang kabuluhan yung relihiyon o pagsamba mo, eh ano naman ang sabi kapatid na Daniel sa 7:17 ng Juan?
Bro.Daniel (BD):
JUAN 7:17
Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios,o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili.
(BE): Ang pagkakakilanlan mo kapatid yung turo, yung aral, kung nanggagaling lang sa sarili nung nangangaral o galing ba sa Dios.
Kung ang sinoman tao nagiibig gumawa ng kalooban ng Dios makikilala niya ang turo kung ito’y sa Dios o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili, kaya kailangan, para matiyak mo kung sa Dios ang isang relihiyon, titingnan mo yung lahat ng turo, pagka may inihalong turo na hindi galing sa Dios mali yung relihiyon na iyon, bibigyan kita ng halimbawa.
Yun turo na magkakaisa sa pagboto para makakuha ng impluwensya sa politiko walang ganyang turo si Kristo,ang mga kristiyano nagkakaisa sa pananampalataya hindi sa pagboto, ang pinagkakaisahan nila pananampalataya sa evangelio, paki basa mo Kapatid na Daniel yung Filipos 1:27.
(BD):
FILIPOS 1:27
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo’y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo’y matitibay sa isang espiritu, na kayo’y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
(BE): magkaisa kayo ang wika ng kaluluwa sa pananampalataya sa evangelio, hindi sa pagboto kapatid,kaya yang pagkakaisa hindi yan para sa ano, hindi yan para sa pulitika o para sa bagay ng sanlibutan ang pagkakaisang kristiano yung aral ng evangelio. Ang tunay na relihiyon makikilala mo sa aral, ang aral dapat galing sa Dios nababasa sa Biblia, pero pag ang aral na itinituro maraming dagdag wala sa Biblia hindi sa Dios yang relihiyon na yan.

Video credit to Ang Dating Daan YouTube channel


Paano malalaman ng isang tao na siya ay nasa tunay na relihiyon?

log in

reset password

Back to
log in
 
loading...