Maliligtas ba ang lahat ng nakikinig sa salita ng Dios?


Maliligtas ba ang lahat ng nakikinig sa salita ng Dios?
Alamin ang sagot ni Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia.

~o~
Bro.Eli (BE): Hindi lahat ng nakikinig sa salita ng Dios maliligtas, basahin natin ang 2:13 ng Roma

Sis.Luz (SL):
Roma 2:13- “Sapagka’t hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios,kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;”

(BE): hindi yung nakikinig lang ang aaring ganap ng Dios o maliligtas kundi yong nagsisitalima. Ehh kahit makinig ka ng makinig hindi mo naman sinusunod wala ring kwenta. Parang ganito kapatid, halimbawa may masarap na pagkain pag hindi mo kinain hindi ka mabubusog; pag inamoy mo ng inamoy lang yon at tiningnan mo ng tingnan kakabagan ka, pero hindi ka mabubusog. Yong salita ng Dios pakinggan mo ng pakinggan hindi mo naman sinusunod ay baliwala lang iyon, 7:26 ng Mateo

(SL):
Mateo 7:26- 27
26 -“At ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap,ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kanyang bahay sa buhanginan:
27 – At lumagpak ang ulan,at bumaha, at humuhip ang mga hangin,at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.”

(BE): Pagka pala ang isang tao nakikinig sa salita ng Dios hindi ginaganap mangmang. Para lang isang mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhangin: Pag dumating yong hampas ng bagyo at ulan babagsak yong bahay nya.Kaya ang kailangan susundin mo; hindi makikinig lang. Ang sagot ko sa tanong mo, Lahat ba ng nakikinig ng salita ng Dios maliligtas? Hindi, ang nakiki, nakikinig na maliligtas yong sumusunod sa kanyang napapakinggang salita ng Dios.

Video credit to Ang Dating Daan YouTube channel


Your reaction?
Yuck Yuck
0
Yuck
Cute Cute
0
Cute
Angry Angry
0
Angry
Scary Scary
0
Scary
Lol Lol
0
Lol
WTF WTF
0
WTF
Astig Astig
0
Astig
Love Love
0
Love
Wow Wow
0
Wow

Maliligtas ba ang lahat ng nakikinig sa salita ng Dios?

log in

reset password

Back to
log in