Bakit hindi nagpapakita ang mga anghel sa ating panahon?


Bakit hindi nagpapakita ang mga anghel sa ating panahon?
Alamin ang sagot ni Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia.

~o~
Bro.ELI (BE): Ah, alam mo kasi ganito kapatid, may panahon nung panahong una na ang mga anghel ay kinakasangkapan ng Dios, ano? Pero noong dumating na si Kristo, nung ang ating Panginoong Hesukristo dumating na,tumigil na yung panahon ng pagkasangkapan ng Dios sa anghel, si Kristo na ngayon ang Kaniyang spokesperson. Noong araw kasi kaya nagpapakita anghel para dalhin yung mensahe ng Dios sa tao, halimbawa nagpakita si Anghel Gabriel kay Mari, kay Santa Elizabeth nagpakita yung anghel doon sa kay Jose, kasi sila ang taga pagdala ng mensahe ng Dios sa tao, pero sa panahong si Kristo na ay bumaba,yung Kanyang aral ipinasulat na, kay Kristo na tayo makakakuha ng aral ng Dios pakinggan mo sa Hebreo 1:1-2
Bro.MEL (BM):
HEBREO 1:1
Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
HEBREO 1:2
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak,…
(BE): Ayon,ngayon ang pagsasalita ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak hindi na doon sa panahon ng propeta atng mga Patriyarka gumagamit Siya ng anghel, si Kristo na ngayon ang spokesperson ng Dios, kaya hindi na kailangan magpakita ang anghel para magdala ng mensahe. Ang mensahe nandito na, ipinasulat na ni Kristo ang lahat ng mensahe ng kaligtasan, kaya ngayon ang kailangan mo nalang, kung meron kang gustong malaman sa kalooban ng Dios “Itanong mo kay Soriano”, iyon nalang ang kailangan, nasa Biblia na kasi eh, hindi na kailangan ang anghel ngayon.

Video credit to Ang Dating Daan YouTube channel


CASH ON DELIVERY!

Your reaction?
Yuck Yuck
0
Yuck
Cute Cute
0
Cute
Angry Angry
0
Angry
Scary Scary
0
Scary
Lol Lol
0
Lol
WTF WTF
0
WTF
Astig Astig
0
Astig
Love Love
0
Love
Wow Wow
0
Wow

Bakit hindi nagpapakita ang mga anghel sa ating panahon?

log in

reset password

Back to
log in